| the raineypop series ( @ 2006-03-31 23:53:00 |
| Current location: | house |
| Current mood: | |
| Current music: | idlip-imago |
Nilingon kita at nagtila idyoma:
Ang pagtawa mo ay sining.
Nagmistula kang pintor ng puting kaligayahan.
Ang labi mo ay pluma
Sa aking isipang papel
Na punit na punit sa pagkasabik
Sa pagkalunod sa isang bangong hindi malimot.
Ang tunog/tinig mo’y dilaw na musika
Na kinaroroonan ng aking ulirat
Ang bawat lunok at bawat patlang sa iyong tawa
Ay alpabetong itinutula ko tatlong beses sa isang araw-
Lingid sa iyong kaalaman.
Laging nakaw ang mga pulang sandaling
Nagbibitiw ako ng titig
Upang kahit papaano’y matahimik ang hubad kong kabaliwan
Sa tawa mong habang tumatagal
Ay nagiging halakhak.
Sorry sa masyadong pagtutula.insFIRED lang talaga ako.ooh,i love this boy.